11 kilo ng shabu narekober sa
kuta ng Maute group sa Marawi

June 19 2017 12:02 PM

11 kilos ng shabu, narekober sa Marawi

Aabot sa 11 kilo ng high grade shabu at apat na matataas na kalibre ng baril ang narekober ng tropa ng pamahalaan sa kuta ng Maute group sa Marawi City.

Ayon kay Lt. Gen. Carlito Galvez, kumander ng Western Mindanao Command, nagsasagawa ng combat clearing operation ang 49th Infantry battalion ng Philippine Army sa pangunguna ni Alpha company 1Lt. Emerson Tapang nang mapansin ang ilang miyembro ng Maute na palabas sa ilang kabahayan.

Dahil dito, nakipagpalitan ng putok ang mga sundalo hanggang sa magtakbuhan ang mga terorista at maiwan ang shabu.

Tinatayang nasa P110 hanggang P250 milyon ang halaga ng shabu.

“This strengthens our findings that these terrorists are using illegal drugs which according to Muslim religious leaders is Haram. These Maute and ASG terrorists are not Muslims. They have violated every tenets of the teachings in the Holy Quran,” pahayag ni Galvez.

Ayon kay Galvez, bukod sa ilegal na droga, ginagamit din ng Maute at Abu Sayyaf ang mga Mosque para sa kanilang mga sniper.

Sa ngayon, itinurn-over na sa Joint Task Group Haribon ang nakumpiskang shabu.

 

Comments

MOST READ POSTS