12 South Koreans arestado
dahil sa online business scam

May 19 2017 2:10 PM

Bumagsak na sa kamay ng Bureau of Immigration ang 12 Koreans na wanted sa kasong online business scam sa kanilang bansa.
Naaresto ang mga pugante sa kanilang tinitirhan sa Gramercy Residences sa Makati city.
Kinilala ang mga naaresto na sina Noh Heamin, Park Jeongho, Kim Sun Jang, Lee Hyanglim, Yoon Daseul, Kim Sunghoon, Jeong Miseon, Park Mingyu, Park Youngju, Park Hyunmyeung, Park Chanju, at Lee Hyunho.
Napag alaman kay Immigration Commissioner Jaime Morente na mismong ang South Korean embassy ang humingi ng ayuda upang madakip ang mga pugante mula sa kanilang bansa.
Sinabi ni Morente na mayroong warrants of arrest ang 12 na inisyu ng Korean court dahil sa kasong large scale fraud.
Prinoproseso na ng BI ang mga dokumento para sa summary deportation ng mga Korean nationals.

Comments

MOST READ POSTS