14 Filipino na inaresto sa
Russia, nakalaya na

May 19 2017 4:47 PM

Pinalaya na ang 14 na Filipino na inaresto sa Russia.

Sa pulong balitaan sa Malakanyang, sinabi Foreign Affairs Assistant Secretary Cleofe Natividad na base sa pakikipag-ugnayan ng embahada ng Pilipinas sa Russia, nabiktima umano ng illegal recruiter ang mga Filipino.

Inamin naman ni Natividad na tatlo pang Filipino ang nakakulong ngayon sa Moscow at sumasailalim pa sa imbestigasyon.

Ayon kay Natividad, maaring makasabay ng Pangulong Rodrigo Duterte pauwi ng bansa ang 14 na Filipino.

Magtutungo ang Pangulo sa Russia para sa isang official visit sa May 23 hanggang 26.

Ayon kay Natividad, isang landmark visit ang gagawin ng Pangulo sa Russia kung saan magkakaroon ito ng bilateral meeting kina Russian President Vladimir Putin at Prime Minister Demetrio Medvedev.

Ilan sa mga matatalakay ang usapins a defense, security cooperation, trade at iba pa.

 

 

Comments

MOST READ POSTS