2 patay, 72 sugatan sa lindol sa Leyte

July 7 2017 12:54 PM

Leyte 1

 

Patay ang dalawa katao habang 72 iba pa ang sugatan sa 6.5 na magnitude na lindol kahapon sa Jaro, Leyte.

Ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, nakilala ang nasawi na sina Gerry Movilla, 40 anyos na taga Kananga, Leyte. Nasawi si Movilla matapos gumuho ang tatlong palapag na gusali sa Kananga.

Patay din sa lindol si Rhissa Rosales, 19 anyos at residente ng Purok 2, Brgy, Cabaoan-an, Ormoc City. Nasawi si Rosales matapos mabagsakan ng hollow blocks.

Isinugod naman sa iba’t-ibang pagamutan ang 72 sugatan. Sa naturang bilang, 43 mula sa Kananga, Leyte, tatlo sa Ormoc City at 26 sa Carigara, Leyte.

Kananga, Leyte (Contributed photo)
Kananga, Leyte
(Contributed photo)

Na-rescue naman ang anim na iba pa na nakilalang sina Marian Superales, Jevy Omulon, Aina Nicole Geraldez, Sancho Geraldez, edgar Cabahug at Irene Flores na pawang na-trap sa gumuhong gusali sa Kananga.

May naitala ring landslide sa Mt. Amandiwing sa Brgy. Rubias, Jaro, Leyte.

Sinupendi na muna ang klase ngayon sa lahat ng paaralan sa Tacloban City, Jaro at Ormoc City.

Ayon kay NDRRMC spokesman Mina Marasigan, normal naman ang linya ng komunikasyon pero walang suplay ng kuryente sa Eastern Visayas, Cebu at Bohol.

 

 

Comments

MOST READ POSTS