2 Vietnamese pinugutan ng ASG

July 5 2017 12:25 PM

Vietnamese

 

Pinugutan ng bandidong Abu Sayyaf Group ang dalawang Vietnames sa Brgy. Tumahubong, Sumisip, Basilan.

Kinilala ni Colonel Juvymax Uy, kumander ng Joint Task Force Basilan ang mga biktima na sina Hoang Thong at Hoang Va Hai.

Ang dalawang dayuhan ay kabilang sa anim na crewmen ng MV Royal16 Vietnamese cargo vessel na dinukot ng ASG noong November 11, 2016 sa karagatan ng southeast Sibago Island, Basilan Province.

“The bodies were found at 5:40 in the morning by a member of the local populace,” pahayag ni Uy.

“The cadavers will be made to undergo forensic exams as coordination with the Vietnamese embassy is also simultaneously done.”

Kasama sa mga dinukot ng ASG sina Pham Minh Tuan; Do Trung Hieu; Hoang Vo at Tran Khac Dung.

Ayon kay Uy, na-rescue na ng Joint Task Force Basilan si Hoang Vo, 28 anyos noong June 2017 sa bisinidad ng So Kumonal, Sampinit Complex, Sumisip.

 

 

Comments

MOST READ POSTS