25 panukalang batas posibleng
mabale wala sa Aquino admin

June 28 2016 1:39 PM

Posibleng masayang ang 25 na panukalang batas na ipinasa ng dalawang kapulungan ng Kongreso dahil hanggang sa kasalukuyan hindi pa rin ito nalalagdaan ni Pangulong Benigno “Noynoy ” Aquino III.

Sa ilalim ng batas, otomatikong magiging ganap na batas ang isang panukalang batas kung hindi nalagdaan at hindi vineto ng Pangulo.

Subali’t sa paliwanag ni Sen. Vicente Sotto lll, kung umabot sa mahigit sa 60 araw na inuupuan at hindi inaaksyunan ni Pangulong Aquino, ang panukalang batas na nasa ibabaw ng kanyang mesa bago matapos ang Hunyo 30 kung saan magpapalit na ng administrasyon sa Hulyo 1, masasayang ang mga ito at hindi magiging ganap na batas.

Kabilang sa 25 mga panukalang batas ang hindi parin nilalagdaan ng seating president ay ang SBN2794/HB4544 o anti-carnapping, at SBN3023/ HB6395 (foreign ownership act) na posibleng masayang at mauwi sa wala. MC

Image from Senate of the Philippines’ Facebook page

For MORE of NewsCentral.PH, click below:
News | Nation | Adobo Mix | Sports | Entertainment | Lifestyle | Business | Technology | Trending Now | Wild Guess | Eksena ni Kulot

Comments

MOST READ POSTS