3 Comelec commissioners
hands-off sa barangay, SK elections

June 27 2016 6:00 PM

Hindi makikilahok sa operasyon na may kinalaman sa barangay at Sangguniang Kabataan elections ang tatlong commissioners ng Commission on Elections (Comelec).

Ayon kay Comelec Commissioner Rowena Guanzon, bukod sa kanya, nagpasya rin sina Commissioners Christian Robert Lim at Louie Guia na huwag magkaroon ng partisipasyon sa operasyon ng barangay at SK elections.

Ang tatlo ay pawang mga miyembro lahat ng Comelec First Division.

Sinabi ni Guanzon na panahon na para si Bautista ang magpatakbo ng botohan dahil siya naman ang administrative head ng Comelec at nasa ilalim ng kanyang tanggapan ang mga Comelec director.

Sa nakalipas kasing presidential elections, si Lim ang naging punong abala sa maraming aspeto ng automated elections.

Pero sa darating na barangay at SK elections, sinabi ni Guanzon na magiging limitado lamang umano ang partisipasyon nilang tatlong commissioner sa mga isyu na kailangang desisyunan ng en banc gaya ng aspeto ng procurement.

Sa ilalim naman daw kasi ng batas, ang pangunahing tungkulin ng mga Comelec Commissioner ay ang pagbalangkas ng polisiya at pagganap ng quasi judicial functions gaya ng pagpapasya sa mga kaso.

Tugon naman dito ni Bautista, dapat itong mapag-usapan sa en banc. MC

For MORE of NewsCentral.PH, click below:
News | Nation | Adobo Mix | Sports | Entertainment | Lifestyle | Business | Technology Trending Now | Wild Guess | Eksena ni Kulot

Comments

MOST READ POSTS