3 korporasyon kinasuhan ng tax evasion –BIR

February 23 2017 5:41 PM

 

Logo taken from the website of the Bureau of Internal Revenue
Logo taken from the website of the Bureau of Internal Revenue

Tatlong korporasyon ang hinahabol ng Bureau of Internal Revenue (BIR) dahil sa kabiguang magbayad ng buwis.

Partikular na inireklamo ng BIR sa Department of Justice (DOJ) ng paglabag sa Section 255 in relation to Sections 253 at 256 ng National Internal Revenue Code of 1997 ang mga sumusunod:

*Diversified Plastic Film Systems Incorporated, kasama na ang Managing Director nito na si Carlos De Castro, Vice President for FinNce Administration na si Jose Maria Ricardo Garcia at Treasurer na si Miguel Antonio Garcia;

*High Capacity Security Force Incorporated at presidente nito na si Virginia Villanueva at treasurer na si Edgardo Villanueva

*Ruby Star Services Incorporated pati na ang Chairman na si Ramon Montano, presidente na si Guderian Montano, vice president at general manager na si Jose Montano.

Ayon sa BIR, aabot sa P81.13 million ang halaga ng tax liabilities ng Diversified Plastic Film para sa taong 2006.

Nasa P11.65 million naman ang buwis na hinahabol ng BIR mula sa High Capacity Security Force para sa taong 2008.

Ang Ruby Star Services naman ay mayroon umanong tax liabilities na P11.58 million noong 2009.

Nabatid na pinadalhan na ng BIR ang tatlong korporasyon ng mga liham kaugnay ng utang nila sa buwis, at dahil sa pagmamatigas na bayaran ang buwis, minarapat na ng BIR na sampahan sila ng kaso.

Ito na ang ikatlo, ikaapat at panglimang reklamo na inihain ng BIR sa ilalim ni Commissioner Caesar Dulay.

Comments

MOST READ POSTS