3 miyembro ng Maute group naaresto

July 5 2017 5:25 PM

Natimbog ng Martial Law Special Action Group (MLSAG) 4th Infantry Division ang tatlong hinihinalang miyembro ng Maute Group sa Brgy. Macasandig, Cagayan De Oro City kaninang 4:30 ng umaga.

Nakilala ang mga naaresto na sina Gazim Mantawazi Abdullah, Monaliza Solaiman Romato at Tahera Romato Taher.

Inaresto ang tatlo base sa search warrant na inisyu ni Honorable Dennis Alcantar, Executive Judge  ng Branch 18 ng Cagayan De Oro City.

Nabatid na sinalakay ng militar,  ang inuupahang bahay ng isang Irene Romato Idris sa Residencia Apartment, Aluba, Brgy. Macasandig, Cagayan De Oro City.

Nakuha sa mga suspek ang apat na piraso ng M203 grenade (40mm HE),  isang piraso ng blasting cap, 9 volts battery with battery holder, isang piraso ng C4 explosive, walong detonating cord at iba pang sangkap sa paggawa ng pampasabog.

Ayon sa militar, matapos maaresto si Farhana Romato Maute, ang matriarch ng Maute clan at ina ng mga teroristang sina Abdullah at Omar Maute, ang kanyang pamangkin na na si Monaliza Romato ang pumalit sa puwesto ni Farhana.

Si Monaliza na umano ang nagbibigay ng financial and logistical support sa Maute group.

Ang bahay umano ni Monaliza sa Cagayan de Oro ang nagsisilbing sanctuary at transit point ng mga terorista.

Comments

MOST READ POSTS