35,000 manggagawa na-regular
na sa trabaho – DOLE

February 15 2017 4:33 PM

Umaabot na sa kabuuang 35, 855 na mga contractual workers sa buong bansa ang naregular sa trabaho sa pagtatapos ng Enero.

Ito ang iniulat ni Labor Secretary Silvestre Bello sa harap na rin ng pinaigting na kampanya laban sa end of contract policy (Endo).

Mula sa nasabing bilang, 31,756 ang naging regular na manggagawa matapos ang konsultasyon ng Department of Labor and
Employment (DOLE) Regional Offices sa mahigit 7,000 mga contractor at principal.

Mahigit 4,000 naman ang naregular kasunod ng ginawang pagsusuri sa mahigit 1,000 establisimyento. Una nang kinumpirma ng DOLE na sa February 27, makikipagdayalogo si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga labor group para talakayin ang isyu ng kontraktuwalisasyon.

Comments

MOST READ POSTS