5 istasyon sa tren na magdudugtong
sa Metro Manila, Central Luzon minarkahan

June 26 2017 3:22 PM

 

Image from PNR website
Image from PNR website

Minarkahan na ang mga magiging istasyon ng tren para sa Manila-Clark Railway Project.

Labing-pito ang magiging istasyon ng railway project na magsisimula sa Tutuban, Tondo, Caloocan at Valenzuela sa Metro Manila; Valenzuela, Meycauayan, Marilao, Bocaue, Balagtas, Guiguinto, Malolos, Calumpit sa Bulacan; Apalit, San Fernando, Angeles, Clark International Airport at sa Panukalang New Clark City sa Pampanga.

Ayon kay Transportation Secretary Arthur Tugade, sisikapin nilang matapos sa ilalim ng Duterte administration ang P225-B proyekto na popondohan sa ilalim ng official development assistance mula sa Japan.

Ang 106 na kilometrong railway project ay isa lamang sa mga tinaguriang high impact projects sa ilalim ng Build Build Build Infrastructure Project ng administrasyon.

Comments

MOST READ POSTS