6 drug traffickers arestado
sa Maguindanao

June 28 2017 2:28 PM

Photos: Lt. Colonel Harold Cabunoc
Photo: Lt. Colonel Harold Cabunoc

Kalaboso ang anim na drug traffickers matapos magsagawa ng operasyon ang pinagsanib na pwersa ng 33rd Infantry Battalion, 4th Special Action Battalion, at Philippine National Police Special Action Force sa Sitio Mamalinta, Brgy. Kayaga Pandag, Maguindanao kaninang 7:00 ng umaga, June 28.

Nakilala ang mga suspek na sina Dante Dalaten,34 anyos, Roy Datukali, 27 anyos, Jomar Jainal, 20 anyos, Dante Karatuan, 34 anyos, Gale Mangandaong, 18 anyos at Jerry Talib, 39 anyos.

Ayon kay Police Chief Inspector Vernido Villamor ng 43rd Special Action Company, nakuha sa mga suspek ang apat na baril, isang hand grenade, 26 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P130,000.00.

Sinabi naman ni Lt. Colonel Harold Cabunoc,  Commanding Officer  ng 33rd Infantry Battalion, na tagumpay ang operasyon ng walang collateral damage.

Photos: Lt. Colonel Harold Cabunoc
Photo: Lt. Colonel Harold Cabunoc

“We have set the standard on how to implement a successful operation without collateral damage. We have trained together with SAF troopers and I emphasized the need to maintain our credibility by respecting human rights and ROE provisions,” pahayag ni Cabunoc.

 

Comments

MOST READ POSTS