60 evacuees mula Marawi patay sa dehydration at iba pang sakit

June 16 2017 2:38 PM

Halos 60 evacuees  na mula sa Marawi city  ang nasawi sa evacuation centers dahil sa dehydration at iba pang sakit.

Ayon kay Health Secretary Paulyn Ubial, 40 sa mga kaso ay dahil sa dehydration samantalang  ang 19 ay nasawi dahil sa mga sakit na nakukuha mula sa pagsisiksikan sa mga evacuation centers.

Ayon kay Ubial, ilan sa mga nasawi ay mayroon na talagang sakit bago pa dumating sa mga evacuation center.

Namomonitor  na aniya ng DOH ang mga kaso ng gastroenteritis, upper respiratory diseases, diarrhea at skin diseases sa mahigit 20,000 katao o mahigit 4,000 pamilyang nasa evacuation centers.

Pumapalo sa 68 ang evacuation centers sa Iligan City, Cagayan de Oro City at Lanao del Sur na siyang mayroong pinakamalaking bilang ng evacuees.

 

 

 

Comments

MOST READ POSTS