7 kaanak ng Maute, hinarang sa NAIA 3

July 10 2017 4:04 PM

cebu pac

Hinarang ng Bureau of Immigration ang pitong pasahero na may apelyidong Maute sa Ninoy Aquino International Airport 3.

Ayon kay Charo Logarta, tagapagsalita ng Cebu Pacific, dinala na ang pitong pasahero sa Airport Police Department para sa imbestigasyon.

Pasakay sana ang pitong pasahero Cebu Pacific flight 5J499 ng 2:10 ng hapon patungo sa Kuala lumpur, Malaysia.

Kabilang sa mga naharang sina Abdulcahar Maute, Al Nizar Maute, Abdulrahman Maute, Yasser Maute, Ashary Maute, Mawiyag Cota, at Acmali Mawiyag.

Hindi naman matukoy ni Logarta kung kabilang ang pito sa arrest order na ipinalabas ng Department of National Defense kaugnay sa umiiral na Martial Law sa Mindanao region.

 

Comments

MOST READ POSTS