7 sa 10 Pilipino tumutok sa mga balita sa labanang Mayweather-Pacquiao — SWS

July 9 2015 3:28 PM

Ang mga balita tungkol sa labanang Manny Pacquiao at Floyd Mayweather ang pinaka sinubaybayang balita ng mga Pilipino.

Floyd Mayweather - Manny Pacquiao photo from Manny Pacquiao's FB page

Batay sa survey ng Social Weather Station (SWS) mula June 5 hanggang 8 78 percent ng mga respondents ang sumubaybay sa mga balita sa May-Pac fight.

Tabla sa ikalawa at ikatlong puwesto ng mga pinaka sinubaybabayang ang paglilitis kay pork barrel queen Janet Napoles at ang kaso ni Mary Jane Veloso na nasa death row sa Indonesia sa rating na 57 percent.

Pang apat sa mga tinutukang balita ng mga Pilipino ang hinggil sa K-12 program sa rating na 52 percent at 51 percent sa agawan ng teritoryo ng Pilipinas at China.

Limampung porsyento naman ng mga respondents ang sumusubaybay sa paglilitis sa Maguindanao massacre case samantalang apatnaput walong porsyento ang nakatutok sa imbestigasyon ng Senado sa di umanoy katiwalian ng mga Binay sa Makati city.

Hindi nawala sa listahan ang paglilitis sa mga kaso ni dating Pangulong Gloria Arroyo na nasa ika walong puwesto o 46 percent at pang syam ang lindol sa Nepal.

For MORE of NewsCentral.ph, click below:
News
Adobo Mix
Entertainment and Lifestyle
Sports
Business
Trending Now
Wild
Guess

Eksena ni Kulot

Comments

MOST READ POSTS