Ama ng minasaker na pamilya
sa Bulacan nasa WPP na

July 7 2017 2:10 PM

Ipinasok na sa Witness Protection Program (WPP) ng Department of Justice ang ama ng minasaker na pamilya sa san Jose del Monte, Bulacan.

Ito ay matapos ang pagpupulong kahapon nina Justice Secretary Vitaliano Aguirre at WPP Deputy Executive Director Nerissa Carpio.

Ayon kay Aguirre, kinailangan munang dumaan sa proseso at assessment ng WPP si Dexter Carlos kabilang na ang pormal na pag-a-apply nito sa WPP para makapasok sa naturang programa ng DOJ.

Unang inalok ng WPP si Carlos na maisailalim ito sa kanilang kostodiya na agad naman nitong tinanggap.

Dahil ganap nang nakapasok sa WPP, mabibigyan na ng proteksyon si Carlos laban sa mga nagtatangka sa kanyang buhay.

Makatatanggap din si Carlos ng iba pang benepisyo na ipinagkakaloob sa isang indibidwal na nasa ilalim ng naturang programa ng DOJ.

Ang pagsasailalim kay Carlos sa kostodiya ng WPP ay bahagi ng pagnanais ng DOJ na matulungan ito na makamit ang hustisya at mapanagot ang mga taong nasa likod ng pagmasaker sa kanyang pamilya.

 

Comments

MOST READ POSTS