Aquino at Poe, nagkausap na para sa 2016 elections

May 10 2015 4:07 PM

Kinumpirma ni Senador Grace Poe na nagkaroon sila ng pag-uusap ng Pangulong Benigno Aquino III.

Pero tumanggi naman si Poe na tukuyin kung ano ang mga detalye sa napag-usapan nila ng Pangulo.

Ayon kay Poe, tanging napag-usapan nila ng Pangulo ay ang pagpili ng kandidato sa susunod na eleksyon na magpapatuloy ng mga nasimulang reporma sa pamahalaan.

Gayunman, sinabi ni Poe na hindi nila natalakay ng Pangulo ang anumang posisyon sa 2016 elections.

Una nang sinabi ng Pangulo na nagkaroon na sila ng pag-uusap ni Poe ukol sa eleksyon.

Pero tumanggi si Aquino na sabihin kung pagka Presidente o Bise Presidente ang maaring takbuhan ni Poe.

Comments

MOST READ POSTS