Australia aayuda na sa AFP sa Mindanao

June 23 2017 12:40 PM

Tutulong na rin ang Australia sa mga sundalo ng Armed Forces of the Philippines na ngayon ay nakikipagbakbakan sa teroristang Maute group sa Marawi City.

Sa isang statement, sinabi ni Australian Defense Minister Marise Payne na tinanggap na ng gobyerno ng Pilipinas ang kanilang alok na tulong na dalawang Royal Australian P-3 Orion intelligence gathering aircraft.

Mag-ooperate aniya ang naturang mga eroplano sa Mindanao region.

“The regional threat from terrorism, in particular from Daesh and foreign fighters, is a direct threat to Australia and our interests. Australia will continue to work with our partners in South East Asia to counter it,” pahayag ni Payne.

Ayon kay Payne, nagkausap na sila ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ukol sa naturang bagay.

“I recently spoke with my counterpart Secretary of Defense Delfin Lorenzana about how Australia can assist the Philippines in its fight against extremists. We agreed the best way to defeat terrorism in our region is for us to work together,” dagdag ni Payne.

Matatandaang una nang nagbigay ng ayuda ang pamahalaan ng Australia sa Pilipinas ng P34.5 milyong halaga ng pagkain at iba pang relief goods para sa mga apektadong residente sa MArawi City dulot ng bakbakan sa pagitan ng pamahalaan at Maute group.

Comments

MOST READ POSTS