Bandilang Pilipino iwinagayway
sa PH Rise, West PH Sea at Marawi

June 12 2017 3:23 PM

 

philippine flag
Sa pambihirang pagkakataon, nagsagawa ng underwater flag raising ceremony ang Armed Forces of the Philippines (AFP)  sa Philippine Rise na dating Benham Rise kasabay ng pagdiriwang ng ika-119 na araw ng kasarinlan ng bansa.

Ito ang kinumpirma ni Brigadier General Restituto Padila, AFP spokesman.

Nakapaloob sa fiber glass ang Watawat ng Pilipinas na ikinabit sa flagpole na nakatayo sa konkretong bahagi ng Philippine Rise, 57 metro sa ilalim ng dagat.

Ayon kay Padilla, nagsasagawa rin ng ship deck flag raising sa ibabaw ng BRP Davao del Sur na naglalayag ngayon sa Philippine Rise.

Ayon pa kay Padilla,  iwinagayway rin ang mga bandila ng Pilipinas sa mga teritoryo nito sa West Philippine Sea partikular sa  Pagasa island.

Samantala, naging emosyonal naman ang idinaos na flag raising ceremony sa Marawi City Hall.

Sunod-sunod na pagsabog ang narinig habang isinasagawa ang seremonya hudyat na hindi pa rin tuluyang nababawi ng gobyerno ang lungsod mula sa mga terorista.

Comments

MOST READ POSTS