Bata patay sa sunog sa QC

February 24 2017 5:04 PM

Image by JM Saranza

Patay ang isang bata matapos masunog ang isang residential area sa Brgy. Payatas, Quezon City.

Gayunman, patuloy pang inaalam ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng walong taong gulang na batang lalaki.

Dalawa katao rin ang naiulat na nasugatan.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), iniwan ang bata ng kanyang mga magulang dahil mangangalakal ang mga ito ng basura.

Ayon sa BFP, nagsimula ang sunog kaninang 10:00 ng umaga ng Biyernes, Pebrero 24 at umabot ng ikatlong alarma.

Makalipas ang isang oras, naideklarang fire out ang sunog.

Inaalam na ng mga tauhan ng BFP ang sanhi ng sunog.

Comments

MOST READ POSTS