Bilang ng Filipino na naniniwalang gaganda ang kanilang buhay bumaba – SWS survey

May 17 2017 1:44 PM

Bumaba ang bilang ng mga Filipino na naniniwalang gaganda ang kanilang buhay ngayong taon.

Batay sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS) para sa unang bahagi ng 2017, 43% ng mga Filipino ang umaasang gaganda ang kanilang buhay sa loob ng 12 buwan habang  6% ang naniniwala namang lalala ang sitwasyon ng kanilang pamumuhay.

Dahil dito, naitala ang net personal optimism ng mga Filipino sa positive 36 na mas mababa ng siyam na puntos mula sa positive 45 net score noong December 2016.

Samantala, bumaba rin ang bilang ng mga Filipino na naniniwalang gaganda ang lagay ng ekonomiya ng bansa.

Ito ay kung saan nasa 47% ng mga Filipino ang positibo sa magiging lagay ng ekonomiya na mas mababa kumpara sa 51%  sa mga nakalipas na survey.

Siyam na porsyento naman ng mga Filipino ang naniniwalang babagsak ang ekonomiya sa mga susunod na taon.

Ang naturang survey ay isinagawa noong March 25-28 sa may 1,200 respondents.

Comments

MOST READ POSTS