Cayetano: Oplan Tokhang, ibalik

February 27 2017 10:52 AM

Sen. Allan Peter Cayetano | Photo from Senate's Facebook account
Sen. Allan Peter Cayetano | Photo from Senate’s Facebook account

Hinikyat ni Senador Alan Peter Cayetano na ibalik ang “war on drugs” na nais niyang tawaging “people’s war on drugs.”

“Ako’y nakikiusap sa ating Pangulo at sa PNP na i-relaunch ninyo ang inyong anti-drug drive,” pahayag ni Cayetano nang magsalita siya sa pagtitipon ng mga pro-Duterte supporters sa Quirino grandstand nitong Sabado, Peb. 25.

Ayon kay Cayetano, 60 porsyento ng problema ng bansa laban sa krimen ay may kinalaman sa iligal na droga. Kaya hinimok niya ang Pangulo na ituloy ang sinimulan nitong pagbabago.

Aniya, ang war on drugs ni Duterte ay magiging people’s war on drugs dahil kasama ang publiko sa paglaban sa droga.

Noong suspendihin ang giyera sa droga, nagbalikan na naman umano sa lansangan ang mga durugista, ayon sa senador.

“Kapag bumalik ang mga pusher, kasunod na niyan ang patayan ng inosente. Kasama na diyan ang rape, ang nakawan,” pagpapatuloy niya.

Muli namang ipinagmalaki ni Cayetano ang mga pagbabagong nangyari sa ilalim ng administrasyong Duterte, lalo na ang panunumbalik ng tiwala ng tao sa pulisya.

“Marami pang kailangang gawin. Hindi pa tapos ang pagbabago. Pero mas safe na ba ng inyong mga lugar? Kahit papano po ba, yung mga pusher sa inyong lugar, hindi ba takot na rin?,” tanong niya sa publiko.

“Hindi ba kahit papano, ang pulis ngayon, kapag nakita natin, hindi natin tinatakbuhan natin palayo, tinatakbuhan natin papunta dahil alam nating tutulungan tayo ng mga pulis na yan?,” dagdag ng senador.

Comments

MOST READ POSTS