CBCP: Maging responsable sa pag-gamit ng social media

May 29 2015 8:52 AM

Pinaalalahanan ng Catholic Bishops Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Social Communication and Mass Media (CBCP-ECSCMM) ang publiko na maging responsible sa paggamit ng social media.

Ito ay kaugnay na rin sa pagkalat ng video ng isang ina sa kanyang sanggol na anak na tila isang aso at video ng mga paslit na tinuturuang manigarilyo na pawang kinondena ng mga netizen.

Ayon kay Fr. Lito Jopson, executive secretary ng komisyon, kailangang matutunan ng mga gumagamit ng social media na milyon-milyon katao ang maaring makakita ng kaniyang post at maaring humusga sa anuman na ating inilalagay sa Internet particular sa Facebook.

Dagdag pa ng pari, dapat isaalang-alang ang moral consequences bilang epekto sa mga inilalagay sa networking sites.

“Para sa social media alamin po natin kung ano yung tunay at opinyon at kung ano ang moral consequence ng ating mga nilalagay kasi yung mga nakikita natin sa social media ay nakakapekto ng maraming tao at kung nakikita natin na ganyan ang pagturing sa mga bata ito’y napaka immoral talaga, dahil dapat nating pangalagaan ang mga bata na ito. Una yung bata na anak ng magulang at pangalwa yung mga bata na nagbubukas ng kanilang facebook accounts mas malaki ngayon ang audience ng mga social netrworking,” ayon kay Fr. Jopson sa panayam ng Radio Veritas May 28, Huwebes.

Dagdag pa ng pari, malaki ang pananagutan ng bawat isa sa kanyang mga inilalagay sa internet lalu na sa  naghuhubog sa mga gumagagamit nito na kalimitan ay mga kabataan.

“Yung mismong social network ang malaking problema.. yung mismong mga tao at lahat ng tao na gumagamit ng social network ay nakaatang na sa kanila ang resposibilidad at tsaka isipin nila na sa bawat nilalagay nila ay isang milyung mahigit ang magbabasa., na handa ba sila na maging responsable sa kanilang mga inilalagay, paghubog ng mga kaisipan ng mga taong mga nagbabasa o nag-subscribe sa Facebook account.”

Sa mensahe ni Pope Emeritus Benedict XVI noong 43rd World Communication Day 2009, sinabi nitong mabisang paraan ang internet o social media sa ebanghelisasyon kaya’t marapat ding isulong digital literacy o ang tamang paraan, kaalam at paggamit ng digital media.

Sa datos ng Internet Mobile Marketing Association of the Philippines, isa sa bawat tatlong Pilipino ay gumagamit ng Internet o katumbas ng 30 milyong katao mula sa 100 milyong kabuuang populasyon ng bansa.

Comments

MOST READ POSTS