Colonel Marcelino laya na

May 18 2017 5:43 PM

Iniutos na ng Manila Regional Trial Court ang pagpapalaya kay Marine Lt. Col. Ferdinand Marcelino.

Kinumpirma ni Public Attorney’s Office Chief Persida Acosta na nagpalabas  na si Manila RTC Branch 49 Presiding Judge Daniel Villanueva ng release order para kay Marcelino.

Ito ay kasunod na rin ng pormal na pag-urong ng Department of Justice (DOJ) sa kasong possession of dangerous drugs laban kay Marcelino at sa kasamahan nitong Chinese Interpreter na si Yan Yi Shou.

Katunayan, bitbit na ni Acosta ang kopya ng release order at nagtungo sa Camp Aguinaldo para iprisinta kay Armed Forces Chief of Staff General Eduardo Ano.

Si Marcelino ay nakakulong sa detention facility ng Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines.

Nauna nang pinaburan ng DOJ ang petition for review na inihain ng kampo ni Marcelino at Yan matapos makumbinsi ang kagawaran na ang presensya ng dalawa sa isang townhouse sa Sta. Cruz, Maynila noong January 21, 2016 kung saan nasamsam ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang halos 77 kilo ng shabu ay bahagi ng pagganap nila sa tungkulin.

 

 

Comments

MOST READ POSTS