Congestion rate sa mga
bilangguan nasa 550% na

May 18 2017 1:36 PM

Umaabot na sa 550% ang congestion rate sa lahat ng bilangguan sa iba’t-ibang panig ng bansa.

Ayon kay Senior Inspector Xavier Solda, spokesman ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), nangangahulugan ito na ang espasyo para sa isang tao ay inookupahan ng anim na preso.

Pahayag ito ni Solda matapos ihayag ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na may 26 na preso na  sa Metro Manila ang nasawi mula lamang noong nakaraang taon dahil sa siksikan sa bilangguan.

Gayunman, sinabi ni Solda na inaaksyunan na ng pamahalaan ang problema sa siksikang mga bilangguan sa bansa.

Sa katunayan, mahigit isa at kalahating bilyong piso aniya ang ibinigay na pondo ng Pangulong Rodrigo Duterte para ipagpatayo ng karagdagang pasilidad para sa mga preso.

“This is intended for priority regions, ibig sabihin ito yung base sa datos ay may pinakamataas na congestion rate,” pahayag ni Solda.

Comments

MOST READ POSTS