Dating judge sa Davao, itinalagang bagong administator ng LRA

May 17 2017 3:00 PM

May bago nang administrator ang pamunuan ng Land Registration Authority (LRA).

Ito ay matapos italaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Atty. Renato Dacudao Bermejo bilang bagong LRA administrator.

Si Bermejo na dating Municipal Trial Court Judge sa Davao Occidental ang papalit sa nabakanteng pwesto ni dating LRA Administrator Eulalio Diaz III.

Ang LRA ay isang ahensya na nasa ilalim ng Department of Justice (DOJ) at responsable sa pagi-isyu ng ilang mahalagang dokumentong may kaugnayan  pag-aari ng lupa.

Comments

MOST READ POSTS