De Lima binisita ng minority senators

May 1 2017 2:02 PM

Isang araw bago magbalik ang sesyon ng Kongreso, binisita ang nakakulong na si Senator Leila De Lima ng kanyang mga kasamahan sa minority group sa Senado.

Dumating sa Kampo Aguinaldo sina Senate Minority leader Franklin Drilon, Senators Kiko Pangilinan, Antonio Trillanes at Rissa Hontiveros bandang alas 11:00  ng umaga at umalis  lampas alas 12:00 ng tanghali.

Ayon kay Drilon, tinalakay nila kay De Lima ang legislative agenda ng Senado sa pagbabalik ng sesyon bukas, Mayo 2.

“We sought her (De Lima) views on the various bills pending  in the Senate so that we can carry  these views to the floor during the debate,” pahayag ni Drilon.

Napagkasunduan din ng minority bloc na hilingin sa korte na payagan si De Lima na makadalo sa sesyon kapag ang tinatalakay na ang panukalang pagbabalik ng parusang kamatayan sa bansa para maihayag ng senadora ang  kanyang opinyon sa panahon ng deliberasyon

“We also decided that in critical matters like … ‘pag dumating ang death penalty bill sa Senado, hihilingin namin na mapagbigyan si Senator de Lima na maka- attend ng aming session, at ng committee  hearing so that she can express her views and participate  in the deliberations,” dagdag pa ni Drilon.
Gayundin, hihilingin ng minorya na payagan si De Lima na makalahok sa diskusyon sa panukalang muling ipagpaliban ang halalang pambarangay ngayong taon.

Comments

MOST READ POSTS