De Lima nagpasaklolo na sa SC

February 27 2017 12:47 PM

 

Senator Leila de Lima | Image from Thirdy Gonzalgo
Senator Leila de Lima | Image from Thirdy Gonzalgo

Pormal nang dumulog sa Supreme Court (SC) ang kampo ng detinadong si Senador Leila de Lima para kuwestyunin ang hurisdiksyon ng Muntinlupa Regional Trial Court (RTC) sa drug case na isinampa ng Department of Justice (DOJ).

Sa pamamagitan nina Atty. Alex Padilla at Atty. Philip Sawali na tumatayong mga abogado ni de Lima, inihain sa SC ang kanilang petition for certiorari and prohibition na humihirit ng Writ of Preliminary Injunction, Status Quo Ante Order at Temporary Restraining Order.

Nais ng mga petitioner na ipawalang bisa ang arrest warrant ng Muntinlupa RTC Branch 204 at ipatigil ang pagdinig sa kaso.

Naniniwala ang kampo ni de Lima na walang hurisdiksyon ang Muntinlupa RTC sa reklamo ng DOJ at iligal ang naging mabilis na pagpapalabas nito ng arrest warrant laban sa senadora.

Sinabayan din ng kilos-protesta ng mga taga-suporta ni de Lima ang mga abogado nito sa pagdulog sa SC habang isinisigaw sa kalye na palayain na ang senadora.

Comments

MOST READ POSTS