De Lima nakakulong na sa Camp Crame

February 24 2017 3:51 PM

Sen. Leila de Lima at the PNP-CIDG on Friday February 24. Photo from JM Saranza
Sen. Leila de Lima at the PNP-CIDG on Friday February 24. Photo from JM Saranza

Nasa ilalim na ng Philippine National Police custodial center sa Camp Crame, Quezon City si Senador Leila de Lima.

Ito ay matapos magpalabas nitong Huwebes,Pebrero 24, ng warrant of arrest ang Muntinlupa City Regional Trial Court Branch 204 laban kay de Lima kaugnay sa kasong drug trafficking dahil sa kanya umanong partisipasyon sa operasyon ng illegal na droga sa New Bilibid Prison.

Ayon kay Atty. Alex Padilla, abogado ni de Lima, base sa kautusan ng Muntinlupa court, sa PNP ikukulong ang kanyang kliyente.

Naaresto na rin ang kapwa -akusado ni de Lima na si Ronnie Dayan.

Si Dayan ay dating drayber, bodyguard at kasintahan ni de Lima.

Comments

MOST READ POSTS