De Lima pinaaresto na

February 23 2017 5:39 PM

 

Image from JM Saranza
Image from JM Saranza

Ipinag-utos ni Muntinlupa City Regional Trial Court Branch 204 Judge Juanita Guerrero ang pag-aresto kay Senador Leila de Lima.

Ito ay may kaugnay sa kasong drug trafficking na isinampa ng Department of Justice kaugnay sa naging partisipasyon ni de Lima sa operasyon ng illegal na droga sa New Bilibid Prison.

Kasama sa warrant of arrest ang kapwa akusado ni de Lima na si Ronnie Dayan na kanyang dating boyfriend at bodyguard at si dating Bureau of Corrections officer-in-charge Rafael Ragos.

Matatandaang may dalawa pang hiwalay na kaso na kinakaharap si de Lima sa Muntinlupa court.

Comments

MOST READ POSTS