Disqualification case vs Duterte
pinal nang ibinasura ng Comelec

June 27 2016 6:13 PM

File Image from Rody Duterte Facebook page
File Image from Rody Duterte Facebook page

Wala nang hadlang sa pag-upo ni incoming President Rodrigo Duterte.

Ito ay dahil sa pinal nang ibinasura ng Comelec en banc ang disqualification case laban kay Duterte.

Una rito, naghain ng motion for reconsideration ang mga petitioner na sina Ruben Castor, na isang brodkaster, Atty. Elly Pamatong, Rizalito David at John Paulo Dela Nieves ng University of the Philippines Student Council na kumukuwestiyon sa ginawang pagbasura ng First Division sa kaso.

Sa 20-pahinang resolusyon na may petsang May 31, 2016, nabatid na unanimous ang pagpabor ng en banc sa naunang desisyon ng Comelec First Division pabor sa kandidatura ni Duterte sa pagkapangulo.

Ayon sa resolusyon, alinmang pagkwestiyon sa qualification ni Duterte na kandidato sa pagkapangulo ay wala sa hurisdiksyon ng Comelec.

Ilan sa mga alegasyong ipinunto ng mga nagsulong ng disqualification case ay ang paglabag umano sa batas ni Duterte, pag-amin na siya ay sangkot sa extrajudicial killings at pagkanlong umano sa New Peoples Army.

Pero tinukoy ng Comelec na alinsunod sa naging desisyon ng Korte Suprema sa kaso ni Poe-Llamanzares vs Comelec, ang mga isyu na nakakaapekto sa qualification ni Duterte bilang kandidato sa pagkapangulo ay dapat na resulbahin sa Presidential Electoral Tribunal. MC

For MORE of NewsCentral.PH, click below:
News | Nation | Adobo Mix | Sports | Entertainment | Lifestyle | Business | Technology Trending Now | Wild Guess | Eksena ni Kulot

Comments

MOST READ POSTS