DOJ Secretary Caguioa, bagong SC Associate Justice

January 22 2016 6:15 PM

Benjamin Caguioa

May bago ng Associate Justice ang Supreme Court kapalit ng nag-early retire na si Justice Martin Villarama Jr.

Kinumpirma ni Atty. Theodore Te, SC Public Information Office chief na natanggap na nila ang appointment papers ni Justice Secretary Alfredo Benjamin Caguioa bilang pinakabagong SC Associate Justice.

May petsang January 20 ang appointment papers ng Malakanyang para kay Caguioa.

Wala pa namang balita kung sino ang itinalagang DOJ secretary pero una ng sinabi Cagauioa na kanyang inirekomenda sa Pangulong Benigno Aquino III si DOJ spokesman at Undersecretary Emmanuel Caparas.

For MORE of NewsCentral.PH, click below:
News | Nation | Adobo Mix | Sports | Entertainment | Lifestyle | Business | Technology | Trending Now | Wild Guess | Eksena ni Kulot

Comments

MOST READ POSTS