Dollar remittances ng OFWs bumaba – BSP

June 16 2017 2:42 PM

Bumagsak sa 15-month low noong Abril ang remittances ng mga overseas Filipino workers  (OFWs).

Patunay umano ito, ayon sa mga awtoridad na nararamdaman na ang epekto ng repatriation ng mga Filipino mula sa Saudi Arabia dahil sa paghihigpit ng nasabing bansa sa pagkuha ng mga dayuhang manggagawa.

Batay sa talaan ng remittances ng mga OFWs, naitala sa $2.08 billion o mas mababa ito ng halos 6% sa padala ng mga Filipino workers.

Lumalabas sa record ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), ang Saudi Arabia ang isa sa top remittance sources.

Sinabi ni BSP Governor Amando Tetangco na nagkaroon ng 7.6% na pagbaba sa cash remittances mula sa land based workers na nakaapekto naman sa second quarter record.

Comments

MOST READ POSTS