Duterte pinayuhan si de Lima

February 27 2017 4:31 PM

Duterte Image from JM Saranza
President Rodrigo Duterte | Image from JM Saranza

Pinayuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Lunes, Pebrero 27 si Senador Leila de Lima na damihan ang pagdarasal para lumabas ang katotohanan sa mga kasong kinakaharap niya.

“She can always pray that the truth will come out,” ani Duterte.

Si de lima ay nahaharap sa kasong illegal drugs dahil sa pagbibigay proteksyon sa mga nakakulong na drug lord sa New Bilibid Prison.

Kasabay nito, tiniyak ng Pangulo na 100 percent na ligtas si de Lima sa Philippine National Police Custodial Center sa Camp Crame, Quezon City.

“I assure her she is safe. She is 100 percent safe there,” pahayag ng Pangulo.

Sinabi pa ng Pangulo na mas interesado ang taong bayan na makitang nakakulong si de Lima kaysa sa nakabulagta.

“I think people are interested not to see her dead but to see her in prison for what she did,” pahayag ng Pangulo.

Comments

MOST READ POSTS