Duterte malamig sa pagpapatupad
ng nationwide ban sa paputok

December 28 2016 9:36 AM

Nananatiling malamig si Pangulong Rodrigo Duterte sa ideya ng pagpapatupad ng nationwide ban sa paputok.

Ayon kay Philippine National Police chief Director General Ronald “Bato” dela Rosa, sinubukan na niyang kausapin ang Pangulo hinggil sa panukala dahil nais sana niyang maipatupad ang ganitong uri ng batas.

Naniniwala aniya ang Pangulo na maaaring hindi pa handa ang bansa sa ganitong patakaran.

Sinabi ni Dela Rosa na magandang pag-aralan ito sa susunod na taon upang may mas mahabang panahon para sa information dissemination nang sa gayon ay hindi naman mabigla ang mga gumagawa ng paputok dito sa bansa bilang negosyo.

Sakali aniyang isusulong talaga ang panukalang ito na inihain na sa pangulo noong pang nakaraang buwan, kailangang mabigyan ng sapat na panahon ang mga manufacturer dahil hindi magiging patas kung ura- urada itong ipatutupad ngayong taon.

Samantala, sa pinakahuling datos ng Department of Health, umabot na sa 47 ang naitalang firecracker-related injuries habang papalapit nang papalapit ang bagong taon.

File image from DILG

For MORE of NewsCentral.PH, click below:
News | Nation | Adobo Mix | Sports | Entertainment | Lifestyle | Business | Technology | Trending Now | Wild Guess | Eksena ni Kulot

Comments

MOST READ POSTS