Duterte tikom ang bibig
sa isyu ng West PH Sea

June 27 2016 1:30 PM

Tikom ang bibig ni incoming President Rodrigo Duterte sa isyu ng West Philippine Sea.

Sa pagdalo ni Duterte sa huling flag raising sa Davao City hall bilang alkalde ng lungsod, binigyang diin ni Duterte na mainam na hintayin na lang muna ang desisyon ng United Nations Arbitral Tribunal bago aniya siya magbigay ng kanyang posisyon sa isyu.

Inaasahang anumang araw ngayong taon ay ilalabas na ng Arbitral Court ang desisyon sa reklamo ng Pilipinas laban sa China.

“Wag na muna nating pakialaman yan. I have to talk to everybody in government to decide including the military,” ani Duterte. MC

For MORE of NewsCentral.PH, click below:
News | Nation | Adobo Mix | Sports | Entertainment | Lifestyle | Business | Technology | Trending Now | Wild Guess | Eksena ni Kulot

Comments

MOST READ POSTS