Extension ng SOCE pinagtibay ng SC

June 28 2016 1:42 PM

Pinagtibay ng Korte Suprema ang extention na ibinigay ng Commission on Elections (Comelec) sa paghahain ng Statement of Assets and Expenses (SOCE).

Ang deadline sa paghahain ng SOCE ay nakatakda nuong June 8 subalit sa pamamagitan ng mosyon ng Liberal Party (LP) ay pinalawig ito hanggang June 30.

Dahil sa pagbibigay ng Comelec sa hirit ng LP, dumulog sa SC si Atty. Manuelito Luna, first nominee ng 1-Abilidad Partylist group para maipawalang bisa ang ipinasang resolusyon ng Komisyon.

Gayunman, pinaboran ng SC ang Comelec sa isyu.

Una rito, nakapagsumite lamang ng kanyang SOCE si LP Presidential bet Mar Roxas nung June 22 o halos 2 linggo matapos ang orihinal na deadline. MC

For MORE of NewsCentral.PH, click below:
News | Nation | Adobo Mix | Sports | Entertainment | Lifestyle | Business | Technology | Trending Now | Wild Guess | Eksena ni Kulot

Comments

MOST READ POSTS