Gaming operation ng Resorts World Manila, balik na

June 29 2017 3:55 PM

 

Balik operasyon na ngayong araw, June 29 ang gaming oepratins ng Resorts World Manila.

Ito ay matapos bawiin na ng Philippine Amusement and Gaming Corporation ang suspension order sa Resorts World Manila matapos ang pag-atake ng suspek na si Jessie Carlos noong June 2 na ikinasawi ng 37 katao.

Ayon kay Kingson Sian, presidente at Chief Operating Officer ng Resorts World Manila, binawi na ng Pagcor ang suspension order matapos mag-presinta ang kanilang hanay ng bagong Casino Security Protective Action Plans.

“With PAGCOR’s assistance and guidance, we can now start the difficult task of rebuilding as it is also our responsibility to take care of our 6,000 staff and personnel,” pahayag ni Sian.

“We are bringing back the gaming operations on the ground and third floors of our integrated resort. The second floor will no longer be used for casino operations and will be utilized for other non-gaming purposes instead,” dagdag ni Sian.

Una rito, kinuha na ng Resorts World Manila ang serbisyo ng international security outfit na Blackpanda para rebyuhin ang kanilang external at internal security protocols.

 

 

Comments

MOST READ POSTS