Gordon nangako ng tulong
sa magkapatid na Manalo

November 24 2016 12:27 PM

Bilang chairman at chief executive officer ng National Red Cross, nangako si Senador Richard Gordon na agad niyang titingnan kung ano ang maari nyang maitulong sa magkapatid na Lolita ” lottie” Manalo-Hemedez at Feliz Nathaniel “Ka Angel” Manalo.

Ayon kay Sen Gordon, maaari ring i-endorso niya sa Department of Public Works and Highways ang liham ng magkapatid para matulungan ang mga ito sa kanilang kasalukuyang sitwasyon.

Sa liham ng magkapatid na Manalo, nakikiusap ang mga ito na matulungan sila ni Sen. Gordon bilang chairman ng National Red Cross para matugunan ang pangunahin nilang pangangailangan tulad ng pagkain, tubig, gamot at elektrisidad.

Inirereklamo ng magkapatid na Ka- Lottie at Ka -Angel ang apat na buwan na tila pagiging bilanggo nila sa loob mismo ng compound ng kanilang pamilya na kagagawan ng kanilang kapatid na si Eduardo Manalo na siya ngayong pinuno ng Iglesia Ni Cristo o INC.

Nakasaad sa liham ang miserableng sanitary conditions na kanilang dinaranas, limitadong supply ng kanilang pangunahing pangangailangan at limitado din ang kanilang kilos dahil bantay sarado sila ng private security personnel na inaakusahan nila ng panghaharass.

Isinumbong pa ng magkapatid na Manalo ang hindi pagtugon ni Commission on Human Rights chairman Chito Gascon sa kanilang panawagang tulong kaugnay ng hindi makataong sitwasyon ng kanilang pamilya ngayon.

Binigyang diin ng magkapatid na Manalo na ang pagtrato sa kanila ngayon ay tiyak na hindi papayagan ng mga dating leader ng INC na kinabibilangan ng kanilang yumaong lolo na si Felix Manalo at yumaong ama na si Erano “Ka- Erdy” Manalo.

Umaasa sina Lottie at Ka- Angel Manalo ng agarang pag- aksyon ni Sen.Gordon sa kanilang apela para na rin matuldukan ang kanilang pagdurusa at maibangon ang kanilang dignidad at pagkatao.

For more stories on #UAAP79, click http://newscentral.ph/uaap-79/

For MORE of NewsCentral.PH, click below:
News | Nation | Adobo Mix | Sports | Entertainment | Lifestyle | Business | Technology | Trending Now | Wild Guess | Eksena ni Kulot

Comments

MOST READ POSTS