Grab at Uber, pinagmulta
ng LTFRB ng P5 milyon

July 11 2017 2:58 PM

Hindi pinatigil ang operasyon ngunit pinatawan ng tig P5 milyong multa ng Land Transportation and Franchising and Regulatory Board ang dalawang transport network companies na Grab at Uber.

Ayon kay LTFRB chairman Martin Delgra, ito ay dahil sa patong-patong na paglabag sa terms of accreditation na inilatag ng ahensya.

Kabilang sa mga paglabag ang hindi pag screen sa mga nag-aapply na operators, pag-transfer ng accreditation certificate na ipinagbabawal sa ilalim ng terms of accreditation at hindi paglalagay ng litrato at pagkakakilanlan ng mga ina-accredit na driver.

Inatasan din ang Uber na magsumite ng updated na listahan ng kanilang operators.

Wala namang ipinataw na multa sa isa pang transport company na U- Hop, dahil sumusunod naman daw ito sa mga panuntunan.

Ikinatuwa naman ni Brian Cu, country manager ng Grab ang naging desisyon ng LTFRB dahil mas mabuti na umano ito kesa sa suspensyon o kanselasyon ng accreditation.

 

Comments

MOST READ POSTS