Hirit ni Revilla na madalaw ang amang may sakit, pinayagan ng Sandiganbayan

June 16 2017 2:48 PM

Pinayagan ng Sandiganbayan ang hiling ni dating Senador Bong Revilla Jr. na mabisita ang kanyang amang may sakit sa Taguig City.

Batay sa resolusyon ng Sandiganbayan First Division, pinayagang makalabas ng kulungan ang dating senador dahil sa  humanitarian considerations.

Pinayagang makalabas ng kulungan ang senador sa June 19, araw ng Lunes mula 6:00 ng umaga hanggang 10:00 ng umaga at June 20 mula 11:00 ng umaga hanggang 3:00 ng hapon.

Kailangan lamang ni Revilla  na sumunod sa mga panuntunan na ibinigay ng korte.

Batay sa inihaing urgent motion ni Revilla, humiling ito na makadalaw sa amang si dating Senador Ramon Revilla Sr. Sa St. Luke’s Medical Center  sa Taguig City na nakatakdang sumailalim sa operasyon sa puso.

Si Revilla ay kasalukuyang nakakulong sa PNP Custodial Center dahil sa kasong plunder na may kaugnayan sa pork barrel scam.

Comments

MOST READ POSTS