Impeachment complaint
laban kay Duterte, ibinasura

May 15 2017 1:59 PM

Kulang sa substansya ang impeachment complaint na inihan ni Magdalo Congressman Gary Alejano laban sa Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang lumabas sa botohan ng House Committee on Justice ngayong hapon.

Bagama’t kulang sa substansya, nakitaan naman ng mga mambabatas na sufficient in form ang reklamo ni Alejano.

Duterte Attends 20th Anniversary Celebration of Premier Medical Center Image from JM Saranza

Pero bago ang botohan, ginisa muna ni Majority Leader Rodolfo Fariñas si Alejano ukol sa kanyang umano’y personal knowledge kaugnay sa extra judicial killings na kinasasangkutan umano ni Pangulong Duterte.

Gayunman, bigo si Alejano na makapagbigay ng kanyang personal account sa halip, ibinase lamang  ang reklamo sa mga testimonya nina Edgar Batobato at Arturo Lascanas na umano’y mga witness sa EJK at ilan pang news clippings.

Naging grounds sa 16 pahinang impeachment ni Alejano laban sa Pangulo ang Culpable violation of the Constitution, Engaging in bribery, Betrayal of public trust, Graft and corruption at iba pang high crimes.

Dahil sa kawalan ng sapat na substansya, ibinasura ng komite ang impeachment laban sa Pangulo.

 

Comments

MOST READ POSTS