Intelligence chief sibak sa puwesto

December 14 2016 12:23 PM

Sinibak na ng Department of Justice (DOJ) sa pwesto bilang Intelligence Chief ng Bureau of Immigration si retired General Charles Calima matapos makaladkad ang pangalan nito sa isyu ng P50 milyong suhulan mula sa kampo ng online gambling operator na si Jack Lam.

Sa isang pahinang liham mula sa DOJ na pirmado ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre, pormal nang tinerminate ang pagkakatalaga ni Calima sa puwesto sa Immigration.

Si Calima ay kasama sa mga inireklamo kahapon sa Prosecutors Office ng Paranaque ng dalawang kontrobersyal na Deputy Commissioner ng Immigration matapos umano itong tumanggap ng P18 milyon na galing sa P50 milyong suhol ni Jack Lam.

Bukod kay Calima, sibak na rin sa puwesto bilang technical assistant for intelligence si Police Supt. Edward Chan.

Una na ring sinabi kahapon ni Aguirre na siya mismo ang nag-appoint sa pwesto kay Calima.

For MORE of NewsCentral.ph, click below:
News  | Adobo Mix  | Entertainment | Lifestyle Sports  | Business | Trending Now  | Wild Guess | Eksena ni Kulot

Comments

MOST READ POSTS