Isa pang preso na pinalaya ng Maute mula sa Marawi City, sumuko sa BJMP

June 19 2017 1:19 PM

Kusang nagbalik loob sa Bureau of Jail Management and Penology ang isa mahigit 100 preso na pinatakas ng Maute group sa Marawi City Jail.

Kinilala ang preso na si Mohaderin Banding, may kasong pagpatay at isa sa kabuuang 107 preso na pinalaya ng Maute group.

Ayon kay BJMP Chief Jail Director Serafin Barretto Jr., nanatili sa Novaliches, Quezon City si Banding bago tuluyang sumuko.

Tiniyak naman ni Barreto sa iba pang pinatakas na preso ng Maute group mula Marawi City na titiyakin ng BJMP ang kanilang kaligtasan sa oras na magdesisyon na silang sumuko.

Maaari rin umanong mabawasan ang haba ng kanilang sentensya sa pamamagitan ng pagbibigay ng good conduct time allowance at iba pang incentive na ibinibigay ng batas.

Samantala, inilipat naman sa iba pang pasilidad ng BJMP sa Iligan at General Santos City ang mga tauhan ng Marawi at Malabang District Jail.

Surrendered:

  1. Mohaderin Acampong (Murder)
  2. Johaimen Gunting (Theft)
  3. Sihawi Socor (R.A.9165)
  4. Jhon Pipino (Theft)
  5. Asgar Asimban (R.A. 9165)
  6. Marsidin Belalang (R.A. 9165)
  7. Mohaimen Malintao (R.A. 9165)
  8. Manuel Villastique (R.A. 9165)

Recaptured:

  1. Mohammad Hadji Ali (Carnapping)
  2. Jamil Elias (R.A. 9165)
  3. Saddam Lao (Robbery)
  4. Abdul Yahya (Alarm and Scandal)
  5. Regine Permondo (R.A. 9165)

 

 

Comments

MOST READ POSTS