Isnilon Hapilon nasa Marawi pa—Lorenzana

July 3 2017 1:05 PM

Nagtatago sa isa sa mga mosque sa Marawi City ang emir ng ISIS sa Asia na si Isnilon Hapilon.

Ito ang impormasyong natanggap kaninang umaga ni Defense secretary Delfin Lorenzana mula sa mga opisyal na nasa lugar ng bakbakan.

Sa Mindanao Hour sa Malacañang , sinabi ni Lorenzana na patunay lamang ito na hindi pa nakalabas ng Marawi City ang lider ng Maute-ISIS group na naghasik ng karahasan sa lungsod.

Gayunman, sinabi ng kalihim na kung sakaling nakalabas man ng Marawi Si Hapilon, mayroon na aniyang nag-aabang sa kanya sa Basilan.

Pinatutukan na aniya sa mga tropa ng militar sa Basilan si Hapilon at ang nakarating lamang ay ang tatlong kasamahan nito, kaya’t malakas ang paniwala nila na hindi pa nakakaalis sa Marawi City ang ISIS leader.

Comments

MOST READ POSTS