Jaro, Leyte niyanig ng
6.5 magnitude na lindol

July 6 2017 5:36 PM

Niyanig ng 6.5 magnitude na lindol ang Jaro, Leyte kaninang 4:03 ng hapon.

Ayon sa Phivolcs, tectonic ang origin ng lindol.

Naramdaman ang Intensity 5 sa Tacloban City; Palo, Leyte; Cebu City.

Naramdaman naman ang Intensity 4 sa Tolosa, Leyte; sagay City, Negros Occidental; Burgos, Surigao del Norte.

Naramdaman ang Intensity 3 sa Bogo City, Cebu; Calatrava, Negros Occidental.

Naramdaman ang Intensity 2 sa Libjo, San Jose, Cagdianao, Dinagat Islands.

Naramdaman naman ang Intensity 1 sa Roxas City; La Carlota City; Negross Occidental.

Ayon sa Phivolcs, asahan na ang mga aftershocks.

Samantala, isang tatlong palapag na gusali sa Kananga, Leyte ang nag-collapse dahil sa lindol.

Sampung katao ang naiulat na nasugatan habang maraming iba pa ang naipit sa gumuhong gusali.

 

Comments

MOST READ POSTS