Marcelino balik serbisyo
matapos makalaya

May 19 2017 1:55 PM

Balik–serbisyo na si Marine Lt. Col. Ferdinand Marcelino, matapos siyang makalaya kahapon.
 Sinabi ni Public Attorney’s Office chief Percida Acosta na maari nang magtrabaho si Marcelino dahil nadismiss na ang lahat ng kasong inihabla laban sa kanya.
“Nadismiss na ang kaso niya,  tinanggal siya sa selda. Wala po siyang nasabi na reresbak siya, as of the moment wala siyang ganun na naiisip. He was overwhelmed, sana masaya rin ang pamilya niya. Rule of truth ang nangyari, kami rin mismo ay nagimbestiga sa kasong ito. Lumilitaw na patriot ito at sundalo at katulong ng ating estado sa pag-dismantle ng mga transnational drug syndicates.”
Wala naman aniyang plano si Marcelino na gantihan ang mga taong nasa likod ng pagkakakulong niya.
“Kung sino man ang nasa likod nang panggigipit kay Marcelino, cut this to an end, ang pagsasakdal sa isang taong matuwid ay hindi tama dahil parang si Hesukristo ang binibitay niyong muli.”
Samantala, laya na rin aniya, ngayong umaga ang Chinese asset ni Marcelino na si Yan Yi Shou.

Comments

MOST READ POSTS