Martial Law sa Mindanao, gusto pang palawigin ng PNP, AFP ng dalawang buwan

July 4 2017 12:56 PM

Nakahanda na ang pamunuan ng Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines na irekomenda sa Pangulong Rodrigo Duterte na palawigin pa ng dalawang buwan ang Martial Law sa Mindanao region.

Sa pulong balitaan sa Camp Crame, sinabi ni PNP Chief Director General Ronald dela Rosa na nagkausap sila kahapon ni AFP Chief of Staff Eduardo Ano sa cabinet meeting sa Palasyo ng Malakanyang.

Sinabi ni dela Rosa na gagawin nila ni Ano ang rekomendasyon sakaling tanungin na sila ni Pangulong Duterte.

Paliwanag ni dela Rosa, kailangan ng extension ng Martial Law upang saklawin nito ang rehabilitation phase sa Marawi City.

Mahirap umanong magsimula na silang magtrabaho doon para sa repair and rehabilitation na may mangyayari pang putukan sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at teroristang Maute group.

Pero ayon kay dela Rosa, nakadepende pa ang kanilang rekomendasyon sa mga kaganapan sa Marawi City bago matapos ang 60 days ng Martial Law sa July 23.

Comments

MOST READ POSTS