Martial Law sa Mindanao kinatigan ng SC

July 4 2017 1:35 PM

Supreme Court spokesman Atty. Theodore Te

 

Kinatigan ng Supreme Court ang ideneklarang Martial Law sa Mindanao region ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa en banc session ngayong hapon, 11-3-1 ang naging botohan ng mga mahistrado sa petisyon na inihain ng Minority bloc sa Kamara.

Labing isa sa mga mahistrado ang pumabor sa Martial Law habang sina Chief Justice Maria Lourdes Sereno, Senior Associate Justice Antonio Carpio at Associate Justice Alfredo Benjamin Caguioa ay gustong limitahan ang Martial Law sa MArawi City lamang.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang bakbakan sa pagitan ng tropa ng militar at ng teroristang Maute group.

Tanging si Associate Justice Marvic Leonen ang kontra sa Martial Law ni Duterte.

Matatandaang ideneklara ni Pangulong Duterte ang Martial Law sa Mindanao noong may 23 at tatagal ng 60 araw.

 

Comments

MOST READ POSTS