Maute group nagpapatayan na

June 26 2017 4:15 PM

Pinapatay na ng Maute group ang sariling mga kasamahan na ayaw nang makipaglaban sa tropa ng militar sa Marawi City.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines Public Affairs Office chief Marine Colonel Arevalo, hindi kasi matanggap ng teroristang grupo na sumusuko na ang kanilang mga kasamahan.

“They are executing their members, iyong mga gusto nang sumuko, iyong mga ayaw nang lumaban,” pahayag ni Arevalo.

Ayon kay Arevalo, nagkakaroon na rin ng problema ang Maute group sa kanilang leadership.

Dagdag ni arevalo, hindi lang sa leadership nagkakaroon ng problema ngayon ang Maute group kundi maging sa kanilang command at control.

“As a matter of fact, there have been reports coming from those who have been rescued from the Maute Isis group that there have already been infighting among members of the Maute Isis group in their leadership especially on the issues of finances and the issue of waning logistical support and logistics that they still have in their possession,” dagdag niA revalo.

“There were some members of the Maute Isis group who already have to surrender and desert their positions but according to reports they were executed by members of the Maute group who do not want their members to surrender,” dagdag ni Arevalo.

Comments

MOST READ POSTS